tatagal ka pa ba? . . yan ang tanong na bumabalot sa aking isipan na nararamdaman ko na. . sa tuwing naiisip ko sya di ako mapalagay kung paano pa ba ang dapat kong ikilos at isipin. . tama paba ginagawa ko? o sya lang di marunong sumunod? . . nung una palang alam ko na at kita ko na kung ano sya. . siguro challenge lang b sa akin o talagang tinamaan ako sa kanya. . ano ba ang tinamaan? yung hindi mo naman gusto at ideal mong tao pero nagustuhan mo o dahil gusto mo lang? magulo. . pero simple lang. . may mga taong mapagmataas, may mga taong mapagkumbaba. . san ba ako dun? magpakumbaba kahit na nahihirapan? o magmataas na wala naman patutunguhan. . matanong, malalim, matalinghaga mga pataw ko sa aking gustong sabihin. . pero mababaw lang ito. . bawat salita sa likod nito, napakalawak na pagsasalaysay. . mga bagay na gumugulo, mga bagay na hindi mo maitanong kasi walang sasagot. . kaya mo ba? kung magsisimula ka sa taong tinamaan ka kahit na hindi mo naman sya ang ideal mo. . masakit ba? kasi binigay sayo ay taong magbabago lahat ng pananaw at paniniwala mo sa iyong sarili. . magulo, malabo. ako lang nakakaintindi kasi ako lang ang nakakaramdam. kung di para sayo bakit nandyan ka pa? tanong ng isang konsensya na naguguluhan at nahihirapan sa nararamdaman ng katawan at isipan. . di makasagot. . napipi sa tibok ng puso na hindi naman nya sinasadya. . ano mahirap dun? sabi ng muni muning bumulong sa isipan. .wala ko magawa mahal ko eh. . dami mo naman tanong? makulit, matalino pero nabobo pagdating sa nararamdaman. . di na ba mababago? magbabago? masamang tanong na parang hawak nya buhay ng tao. nandyan na, tinanggap mo, bakit? nagsisisi ka ba? di makasagot. . napapaisip nanaman. . nandyan na eh. . mahal ko na. . lahat iiwan ko para sa kanya. . lahat ng meron ako noon bibitawan ko para sa kanya. . . bumulong. . mahal mo nga? . . . ewan. . baka pakiramdam lang. . pero di ko kaya mawala sya. . kahit na ganon sya, kahit na taliwas sa gusto ko, kaya ko tanggapin kasi nirespeto ko sarili ko dahil yun ang gusto nya. . papikit na mga mata. . .buntong hininga. . malapit na. . malapit na. . sinabi sa sarili. . sinabi nalang. . . .




