job adventure 2!

          itutuloy ko lang ang mga adventure ko sa naging trabaho ko sa loob ng 3 taon. . 

                 3rd kong trabaho ng pumunta akong manila. dahil sa mga magagandang kapalaran ko dito sa amin. sumabak ako sa kamaynilaan para maghasik ng kaalaman ko base sa pinag aralan ko. nung lumuwas ako, wala ko talagang permanente na tinutuluyan sa manila. pag naghahanap ako ng work, tumutuloy ako sa pinsan ko at sa mga kaibigan ko. mga 2 buwan ako walang makita. luwas, uwi, luwas ulit. nakakapagod at masakit sa bulsa. target ko tungkol s aking kurso. ang hirap kasi may mga ugali ang mga kumpanya na priyoridad nila ang taga maynila at galing sa matataas na iskwelahan. puro apply, interview at kung ano ano pa mga kalokohan na ginagawa sa akin ng madamot na syudad. nagkataon na kaibigan ko at kasamahan ko sa una kong trabaho natulungan ako. naipasok ako sa holiday inn sa ortigas katabi ng crown plaza hotel. gitna nila robinson. sa crown talaga ko nag apply pero di ako natanggap eh sister company naman ng holiday inn kaya dun ako nakapasok. inaplayan ko front desk kaso sa telemarketing ako bumagsak. ok naman. 4 hours lang daw pero sweldo ung normal na 8 hours. medyo kinabahan ako kasi first time ko na ganun pa ang work. eh mahiyain nga ako. hehe. kahit sa telepono lang natatako parin ako. marami natanggap. hinati sa 2 grupo isa pang maga at pang hapon. nakakatuwa kasi ako lang ang gurl dun na natanggap!! aw. .nung natapos ang trainning, pinapili na ng pasok. gusto ko sana maga kasi balak ko 2 work ko kasi half day lang eh. eh ung iba may mga asawa, matatanda, dalaga na mukhang matanda at wala lang gusto nila maga kasi mga taga linang. .hehe. . kaya pang hapon ako. masaya. pasok ko 2-6pm. walang uniform at id. ewan pero ok lang basta bayad. membership ng apat na hotel binebenta namin. intercontinental sa makati, crowneplaza, holidayinn at holiday inn sa clark pampangga. bago magstart, may pa games pa ang mga empleyado para ganahan daw ang kumota. ayos! bago lang ako hirap makipagbiruan at makipaglaro sa mga tunders, bading, dalaga at nakakatakot na mga nilalang dun. hehe nagpahulaan. may nakalagay na sulat sa noo at huhulaan mo. ung sakin gorilla. ang hirap lalo na nung sinabi nila na may may kamuka daw dun. malay ko ba. di ko nahulaan. pero masaya. ng magstart na, kinabahan na ko. kami tatlo na bago sa afternoon shift, kasi nga first day gamit namen directory. tawagan ang mga general manager, president at matataas na position sa mga company. natakot na naman ako eh mahiyain nga ako. mga tinatawagan ko mga hardware. target ko mga chinese para madaling kausap kahit tagalog. every hour chinechek kame ng supervisor. mabait naman kaso nakakapressure. sa dami ko natawagan mga 50 na mga walang kwenta at di interisado eh kulang pa daw yun. sa isang oras lang dapat ganun. mahina na daw ang 100 na tao sa shift nayun. natapos na ang araw, sabi samen pagpasok kinabukasan dapat may sarili na kameng data list. hindi kasi nila provided. kinabahan na naman ako. sino naman kakilala ko na pwedeng alukin ng membership? kinabukasan. wala ko dala. direktory ulet gamit ko. yung mga kasamahan ko meron pero konti lang daw yun. kulang pa. ganun parin mga tinatawagan ko. mga hardware na puro dahilan nila wala amo nila. halos maubusan na ko. ginagawa ko kunwari may kausap sa phone para di mahalata na wala na kong tinatawan. hehe. muka nga kong tanga eh. kausap ko sarili ko. hehe.3rd day, ganun parin wala parin akong dala. binigyan ako ng kakilala ko sa crowne plaza kasi front desk sya. tawagan ko daw para bigyan ng membership. ganun parin ginagawa ko. kunwari may kausap. para kong naglolokohan na masaya naman. hehe. 4th day, nahihiya na ko kasi yung mga kasamahan kong bago meron na kagad ako wala pa. nasiraan na naman ako ng ulo at bigla kong tinamad sa ginawa ko. kinabukasan nagpaalam ako na mag resign. ayaw ni supervisor kasi nga ganun talaga sa una. inamin ko rin na hindi ata to para sa akin. nirespeto naman nya desisyon ko. kaya as telemarketer, tumagal ako ng 5 days+ 3 days na trainning! hehe. . sumatutal walang nangyari sa mga effort ko at ng mga tumulong sa akin. di ko alam kung curse ba to o talagang hindi pa ako handa magwork. . 

                 pang 4th kong trabaho ay hanggo din sa kamaynilaan. dahil nga sa nangyari sa akin sa hotel, hindi ako sumuko para magkaroon ng work kasi pressure ko sa bahay. kaya kahit alam kong di pa ko ready kelangan. nagkaroon ng job fair sa glorietta. pumunta ako para maghanap ng pwede sa akin. pasa ko sa mga call center na di nawawala sa mga job fair, sa gma 7 at 2 nagpasa din ako.trip lang. hehe. sa mtv pilipinas nagpasa din ako. tanong nga sa akin bakit di daw ako sa resto o hotel. sabi ko mabuti naman po. kala ko kinakamusta ako eh. . sa pagod at gutom ko. hehe. . dahil sa nauubusan na ko ng bala sa maynila, umuwi muna ako sa crib namen. ayt! hehe. . bakasyon kahit hindi naman. hehe. tambay ulet!! sarap!! makaraan ng isang buwan, may txt sa akin na may interview daw ako sa italianis resto. nagulat ako kasi wala naman ako pinasahan tsaka ang tagal na nun kung sa job fair pa galing yun. nakiusap ako sa mga magulang kong da best at ako ay pinayagan naman. lumuwas ako. punta ko g4 sa ayala. pagpunta ko dun, nahihiya pa ko kasi sosyal mga tao sa restaurant eh. nagtanong ako at sinabi na may interview ako sa manager nila. pinapasok ako. may isang nakaupo at posturang postura ang itsura. umupo ako sa table nya at sabay sabing gudevening sir, napakagalang ko, at ang kanyang sagot napaganda din. . .aplikante kadin? boom!! pinanindigan ko nalang nasabi ko at nanganupo parin ako kahit na pareho kame aplikante. hehehe. .nung tinawag na sya, nakita ko na manager nila!! napaka macho!! hehe. . kaya pala puro gwapo iniinterview nya eh. . solo na ko sa lamesa at binigyan ako ng ice tea ng isang server dun na mukang tomboy pero nagiinglish!! pero ganda ng mata nya. di naman ako mahilig sa iced tea kaya naka 3 lang naman ko baso! minsan lang eh baka di ako matanggap atleast nakatikim ng ice tea ng italianis. .hehe ng tinawag na ko, naiihi ako!! pero tinawag na ko eh. nakakahiya kung time out muna bago interview! hehe.  ng iniinterview na ko, inilabas ko na lahat ng bala ko! niratrat ko ng english! ng natapos na kadadakdak ko tungkol sa sarili ko! parang nakikipag kwentuhan nalang ang baklita!! hehe dun na nakampante ako! nahuli ko kagad ang kiliti! tinanong ko kung san ako tumutira kasi taga quezon ako eh. ang layo ko daw. pero alam nya quezon kasi coincidence  ka schoolmate ko nagtratrabaho din dun! ang swerte nga naman. tinanong din ako pano ko nalaman na may hiring sa kanila. sinabi ko na nung last month pa na job fair sa glorietta. natatandaan ko lang na pinasahan ko lang resto ay bistro group. yun pala yung company nila!! 4 na resto. fish co, italianis, friday’s at outback! dahil nga sa nahuli ko kiliti ng baklita, nagpaawa ako na wala nga kong tinitirhan pa sa manila,  galing pa kong quezon at pagkatapos nga interview uuwi na ko ng quezon. boom! tinanong ako kung kelan ko daw gusto magstart? wow! tanggap na ko! hehe sinabi ko mga 1 week pa kasi maghahanap na pa ko ng titirhan.hehe. sinwerte ako. pagkatapos ng interview tatawagan daw ako sa final interview. dahil nga direct kagad ko sa manager at hindi na ko dumaan sa hr, ok daw ako sa kanya. yung final interview eh wala lang daw yun. dun malalaman kung saan ako ilalagay na branch. after ng interview sarap ng feeling kasi makakaihi na ko!! hehe. 2 days after tumawag saken for final interview! inantay ko na sa pinsan ko tumuloy. sa greenbelt italianis ako ininterview. nakakatawa magkapangalan kame paul din. mataas katungkulan nya. limot ko na position nya sa taas!! hehe. hindi na daw ako tatanungin ng kung ano ano kasi dumaan na daw ko sa gen. manager. nagulat lang ako ng nagtanong kung sumasayaw daaw ako at kumakanta! naisip ko ano ba position ibibigay sa akin? kabaret ata to ah! hehe. ganun daw kasi pag may nagcecelebrate ng bday an mga guest. kinakantahan. yung iba sumasayaw! so naintindihan ko na kasi nung nag ojt ko sa don henricos sa g4 din ganun ginagawa namen. nagtanong ulet kung marunong daw kong maghugas ng mga pinggan, magwalis, maglinis! aba sira ata ulo nito ah! ginawa kong mangmang!! hehe. napaisip nnman ako baka helper ata bagsak ko o kaya dishwasher! sinabi nya ulet na lahat ng empleyado nagtutulugan kaya hindi lang trabaho mo naka focus ka. aba galing ah pero di ako tanga para di ko malaman yun! so wala lang. parang nagkwentuhan lang kame kaso wala kong iced tea! hehe. confirm talaga na tanggap ako. sa g4 ako branch at kunin ko na daw uniform ko kinabukasan! wow sarap pakinggan! nag gala muna ko sa greenbelt kahit nakakasawa na mag gala dun kasi hanggang tingin lang eh. hehe. nakuha ko an uniform ko. umuwi na ko ng quezon para mag ayos ng gamit. meron na din kagad ko bahay kasi barkada ko c duduy nag bed space lang may bakante pa daw. sa may sandejas malapit sa lrt station ng gil puyat. sakayan pati malapit pauwi lucena! mon. nov. 6 2007! first day ko. 7-3pm sched ko. ligo na ko ng 5:30 kasi baka matrapik ako at madami ko kakumpitensya pagligo sa boarding house kasi madami kame. naka uniform kagad ako. pagdating ko sa loob. sarado pa mall eh pero nasa loob na kame. nahihiya pa ko lumapit sa kanila.tinanong ko nung cook dun  kung ako daw c pol. sabi opo! bait ko eh. sabi nya bangis ko daw nakauniform na kagad di pa bukas tindahan!! pinapahubad muna sa akin kasi papawisan eh mag preprepare ng pagkain. pinanindigan ko ulet kasi napahiya na ko eh. dahil nga natanga nnaman ako kasi sabi mag uniform na daw pagpapasok kasi walang bihisan sa loob eh dahil nga tatanga tanga kung ano sinabi sinunod ko! nung nagbukas na. ayan na game na. ginawa ko barista kasi sa loob na daw ko at di bagay sa akin ang buss boy! wow lakas ko talaga kay mager!hehe para kong nag aaral ulet. puro sulat! mga standard procedure para di ako mahirapan mag prepare sa area ko. may trainor naman ako eh.babae! cute kasi pag naka brace eh kaya maganda sya sa paningin ko. cute lang. hehe at sexy! hehe openong 10:00am ng mall. bihis n 9:30 palang. nag opening na syempre maga pa kaya wala pa syado tao. naka focus lang ako sa paggawa ng shakes!! aw sarap kasi titikman mo kahit na may sukat na lahat ng gagawin mo baka daw malusutan ng bulok na prutas. kaya enjoy ako kada timpla ko tikim! eh shake yun! fresh fruits gamit! wow. . hehe. pati mga stocks na prutas check everyday. kung di kaya ng amoy d best tikman kung masisira. prutas palang busog na ko! hehe. 1 week ko sa shakes. pati ingredients, mesurement at standard procedure! sobrang enjoy ako. kasi gusto ko ginagawa ko! after a week sa kape naman ako! paggawa ng espresso, latte, capuccino at kung ano ano pa! kuha ko agad pero medyo tumagal ako sa pagawa ng froth kasi may consistency pala yun. nakakagawa ako kaso ilang minutes bumabagsak na. malupet ang nagtuturo sa akin. pati kalokohan tinuturo! tanga lang daw ang magutom sa area na to! kahit dessert kainin mo pag sawa ka na sa prutas! haha. . nung medyo tumatagal na ko pinagsabay ko na. ako na gumagawa ng shakes at coffee!! nung medyo ok na sa pag garnish naman ng pakain! dun na medyo nakakapressure. kasi maliit yung tindahan, yung dispatch area sa amin papatak kaya kame nag gagarnish bago iserved. kame din nagchecheck ng pagkain bago ilabas. padami na ng padami gawa. pero ok lang kasi masaya. di na ko pinag exam kasi mabilis naman daw ko matuto kaya 1 month palang ko may service charge na kagad ko! hehe yung iba exam muna bago bigyan ng service charge!! lakas ko talaaga kay mager!hehe. nung medyo malupet na ako at mabangis na ko kumilos. ako na nagtanong kung pano gumawa ng salad. kasi 2 lang tao sa area namen.sa salad bar at dun sa bar.pagmadami ginagawang salad at wala yung isa tulungan pero mas matrabaho sa bar.lalo na pag weekend. boom!! kahit kumain ako nga kumain nga prutas at tikim ng tikim ng ng mga ginagawa ko talagang tunay kagad! dahil natutunan ko na lahat bilis n lang ang kulang ko. at dun naman ko nadali at nasisira sa magandang sinimulan ko. dahil napapasarap na ko at kaibigan ko na lahat at kabiruan, masyado ko naging kampante at tinamaan na naman ako ng sakit ko. ang LATE!! nasira ako sa supervisor pati kay mager. kinausap ako at binigyan ng last chance. sa buong 3 months, kahit maubos pera ko sa taxi para lang di ma late, di na matulog pag opening ako at di na kumain pag pumapasok ako. pumasok ako dun mataba ako. natapos contrata ko payat ako. simama din ako ng xmas pary ng boung italianis sa timog sa ibara! pag sweldo inom. lahat ng gusto ko nabibili ko.pero di ko nabili mga plano kong bilhin kasi mahal at nagagasos ko sa pang araw araw. wala kong pakialam sa pera ko pagdating sa pagkain. pero gamit napapaisip pa ako.wala kong ka batch na na hired. kaya nung nag endo yung iba tumagal pa ko ng 1 month bago ko mag endo. kaya may tinuruan pa ko na makakasama ko. masarap na nakakasawa. mga artista na nakikita mo, mga ibang lahi at mga pinoy na kala mo kung umasta napaka taas nila. nung malapit na kong matapos, aga ko pumasok, parang ayoko umalis. masaya na ko. nabawi ko na pagiging late ko. pero nabahiran na kasi kaya ako din nagtabuy sa gusto kong trabaho. . last day ko napaiyak ako. di ko napigilan eh. kasi kinantahan ako. parang tradition nila pag may aalis kinakantahan nila. salitang italiano. di ko naintindihan eh kaya ko naiyak! hehe joke. nanghinayang ako. parang ayoko na huli na. di ko makakalimutan ang trabaho na hawak ko na pero binitawan ko pa. ang trabaho na nagustuhan ko pero hindi na malayan na dumating na pala. ang trabaho na nagbigay sa akin kung ano gusto kong gawin sa linya nga tinapos kong abogado. . hehe HRM ako!! madrama pero itong pangatlong trabaho ang naging successful kasi natapos ko kahit medyo sasabit pa. .hehe. . itutuloy pa. . .may 3 pa eh . .     

Advertisements

6 Comments »

  1. Mix Said:

    Goli Mar! (mar mar mar mar mar) Ang haba ng post mo pare! manang mana ka satinamaan ng kulog na emoboyblue na yan! hahahaha! Nakita kong masaya ka nga sa italianis kaya siguro hindi mo na napigilang lumuha. Ganyan din ako noon sa Dell, noong nagresign ako, di ko na napigil ang luha ko, masaya kasi ako sa trabaho ko, tapos mabait pa ang boss at team ko. Pero siepmre naghahanap tayo ng kung ano yung “kulang” sa atin. Kaya kung ano man ang next mong trabaho, galingan mo na. Wag yung puro wake-boarding at beach. hahahaha! Ingat tol!

  2. peach07 Said:

    ang haba ng post mo, may contest ba kau ni emoboyblue sa pahabaan ng entry? hehe. anyway, sayang lang masasabi ko. it was a good opportunity for u, mahal mo na yung trabaho mo eh. pero ganun talaga. don’t worry, may darating pa na mas maganda. tignan mo manager ka na rin ng resto. aba! aba! say mo. hehe. your time will come, & when it does we hope you’d do ur very best para hindi na mangyari yung past mistakes mo sa work. sarili mo na kalaban mo dun. ang swerte mo kasi lapitin ka ng trabaho, kaw naman lumalayo. So sa ngayon, ihanda mo sarili mo para sa kung anumang darating. Goodluck 🙂

  3. pol0106 Said:

    salamat mico. . . mamimiss kita. . . !

  4. emoboyblue Said:

    Ang haba ng post mo sir!! ANo ba naman yan talented ka na tapos gwapo ka pa.. Ako ay nagtatampo na talaga at walang wala ako panama sa’yo.. hahaha!! Makakahanap ka rin ng katapat mo sir sa trabaho. Pero wala ka yatang katapat dahil alam ko nag-iisa ka lang sa mundo e.. 🙂

  5. ifoundme Said:

    hehehe! eto ako at magcocomment ulit… teka, ikaw ba yung cute na kumakanta pag may bertday dun sa italianis?? mahahanap mo rin yung work na maeexcite ka at hindi ka maleLATE. susme! ayokong nalelate no! feeling ko mortal sin na yun. LOL! 🙂

  6. mixglorioso Said:

    Pang 4 na balik ko na to pero hindi ko pa rin matapos hahaha! kelan ka magpapakita pare? paalis na ako hindi pa tayo nagbebeso-beso! hahaha!


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: