job adventure!. last season. .

nagkaroon ulet ako ng time para isulat ang huling yugto ng mga job adventure ko sa loob ng tatlong taon kong nabubuhay pagkatapos kong makatapos. .

              nakakalungkot isipin kasi nabigyan ng saysay at kalinawan ang guso ko gawin sa akin linya. dahil sa madamot ang panahon, pinatikim lang nya ako ng konti. pero biglang nabuhayaan ako at pinagbigyan pa ng isa pang pagkakataon upang damhin ang ninanais na tagumpay sa larangan ko. nirikomenda ako ng mager ko sa italianis sa megamall branch ng italianis.akala ko hanngang dun na lan ako pero hindi pa pala. dahil nga sa wala ko kasabay na batch, nakapagbakasyon pa ako bago magtrabaho. iniisip ko kung ano work ko dun at kung masaya ba dun tulad sa g4. pero matuwa naman ako kasi sa italianis parin ako. napakalbo ako nun kasi summer at hiling ng aking irog. hehe. alam ko na malaki yung branch na yun. naisip ko din kaya malaki siguro malakas dun at marami lageng tao. pero masaya parin ako kung ang magigi kong position ay barista parin. kinausap ako ng manager dun. aanuhin mo ang kagwapuhan kung pandak ka naman!!hehe maliit lang manager dun eh. pero lalake na parang konting kalabit mo lang lalansa na. hehe. nagrequirements ko after ko matapos binigyan na ko ng unifom at start kagad. nagulat ako kasi wala ko dala damit a naka rubber shoes ako. kaya sa opisina an first duty ko. ginawa ko walang kwenta. mag book binding! para daw sa mga bagong hired bibigyan ng resto profile at rules and regulations. muka kong tanga dun naka unifom tapos nag bubook binding!hehe. pagkaapos ng isang araw. opening sched ko. eh malayo yun from pasay. kaya adjust let ko. alis na ko 5:30 sa bdhouse. as usual naman mga ginagwa. magprepare lahat bago mag open ang store. nagsimula pawawalan ng gana ko ng malaman ko na di ako barista. busser ako. bus boy ikanga. taga set up sa table at taga lipit ng mga pinagkainan nila. natakot din ako kasi kelangan kabisado ko nasa menu at possible din maging server ako. eh bulok ako sa ganun kaya gusto ko sa loob lang ako. alam pati nila na galing ako sa g4 eh malulupet daw tao dun kaya malaki expectation nila sa akin. isa pa sa nakapagpa badtrip sa akin lage ko napapagkamalang ojt. mahirap kumilos, di mo alam kung mga totoong tao nandun. every morning may andiamo kame. meeting before we start to open the store. masaya naman ginagawa ko. kasi naiba naman nasa dinning area ako. pa walaang tao lalabas ko kunwari may bibilhin pero yosi break ako. hehe. sa g4 walang break sa dami ng tao. sa mega 30 mins lang allowed. kaya pag break pinagkakasya ko ang kain, yosi at tulog! hehe. maluwag at masarap magtrabaho. may kanya kanyang area di tulad sa g4 halos isang area lang na devided. boring kasi nasanay ko madaming tao. means nilalangaw ang branch na to. hehe.may mga artisa din naman kumakain pero di ko pedeng magmukang bano sa kanila kasi nakakahiya. iniisip ko nalang pag ginago mo ko yari ka sa pagkain mo pag serve ko!hehe. joke lang pero nangyayari yun lalo na na maarte mga guest, utos ng utos, dami arte sa pagkain, sa place a service. ha! may experience ako sa g4 binalik sa akin watermelon shake. may after taste na daw. ginawa ko nagbukas let ko bago. eh fifo kasi di ko muna sinunod binuksan ko bago deliver. bumalik ulet meron parin daw. naka 2 pakwan akong bukas na bago ang arte. nabadtrip ako. nilagyan ko ng luma ng watermelon, dinaya ko sa syrup para di mahalata tapos hinalo ko ng daliri ko. yung baso di hugas pinunasan ko lang. pagbigay ok na daw. di na nagreklamo. hehe. .pati order ng fresh assorted fruits on plate. gawa ko. lahat ng fruits na bago binukasan ko. kahit di pede kasi standard fifo eh. bumalik sa akin ung mangga daw may after taste pati watermelon. badtrip talaga. yung kasama ko na natagal na dun badtrip din kasi lahat bago deliver yun binuksan namen kahit madami kame stocks na uubusin muna. wala binalik na at di na nag order. gumanti ako sa kape nya. may ginawa ako na masarp naman sa kanya pero ang proseso ng paggawa ko baka di nya kayanin. hehe. yun namiss ko kaya parang boring sa akin sa megamall. dahil tinamaan ako ng bagyo ng katamaran ko. ang awol ako 1 time. nasa bdhouse lang ko. tulog maghapon. kinabukasan kinausap ako. tapos naulit ulet yun kahit hinatid namen kuya sa sa airport di rin ako nagpaalam nun. hanggang sa nauulit nanaman nag resign na ako. kinausap ako ng resto manager bakit daw. nagpasa na ko nun ha. ano daw problema ganyan ganyan. sinabi ko totoo di na po ko pasaya d2 at sa trabaho ko. tinanong ako ano ba gusto mo sana position d2? sabi ko  sa bar po sana ko kasi dun din naman ko galing sa g4 kaso di na ko nakapalag ng ilagay ko sa dinning. sabi nya bakit di mo sinabi eh yung bago naten tinatrain sa bar sana ikaw nalang dun! badtrip! parang nanlumo ako. parang gusto kong bawiin. dahilan kasi nila lahat ng tao dun umiikot bawat area kaya ganun. eh dahil bago ako at tahimik pa huli na ang lahat ng nalaman nila dahilan ko. hehe. parang nawalan ako ng gana kasi kinukumpara ko yung saya ko sa g4 at sa megamall na hinahanap ko. pinanindigan ko nalang. summer yun kaya nasa manila ko nag summer hindi sa quezon. ayoko umuwi eh. nag enjoy muna ko kasama ang aking irog.hehe. gipit na ko. isang beses kumain everyday, tulog sa maga gising sa gabi. kaya yung ibang inaplayan ko di ko mapuntahan kasi maaga eh. dun nagsimula mga utang ko ng magmatigas ako sa syudad na wala naman ko pera.

             one time naghahanap ko sa dyaryo ng trabaho. bumili ako ng classified adds na nanghinayang pa ako kasi pang kain narin yun eh. naisip ko kalbo ako. pinsan ko galing max brenner greenbelt noon. ginawa ko nag net ako. tiningnan ko kung san pede magpasa. pero bigo ako. ginawa ko nagpasa ako sa irog ko para mag walk-in apply. sinabi sa office nalang daw sa oritigas sa oliver’s sandwich. pinuntahan ko. nakita ko yun office pero wala naman max brenner. yun pala iisa company nun. nandun na resume ko kasi pinapasa ko muna sa irog ko bago ko pumunta dun. ininterview ako. at naramdaman ko nnman ang swerte ko. kaso hindi libre uniform kaya nagpaalam ako sa bahay sa quezon na may work na ulet ako aat humiram ako ng pera. medyo sosyal kasi sa greenbelt. gimikan.kaya daw kalbo mga server dun kasi nagrerepresent sa chocolate. max brenner is a chocolate bar. dami chocolate. ang mamahal. trabaho ko dun barista. natupad ulet. mas malupet kasi chocolates ang base nila sa mga drinks nila. even sa cocktails ang syrup dun chocolate. mga best seller nila  at famous na fondue at sucao. kasi kakaiba yung lalagyan.mga hot chocolates nila nakalagay sa hug mug. 2 babae lang na server. sila din ang cashier. masaya kasi pag gabi nandyan na mga nagwawaldas ng pera. hindi naman totally ko sa bar kasi pag may nakabreak at madami order saka lang ako papasok sa bar area. sawa naman ko sa chocolate bars dun. pag gutom na ko tira ako ng chocolate. walang fresh fruits eh. puro syrup na dinidilivered. lahat ng chocolates, items at indgridients import kasi wala d2. kaya mahal. dami din artisa. experince ko nag debut dun kapatid ni paolo bediones na babae. dami tao. mga sosyal. may panget na inglisera, may sosyal na manliliit ka at mga feeling at nadadamay lang sa kanila. sa bar ako asign kasi dami kelangan na iced tea. 60 pcs. na iced tea. so ginawa ko kumuha ako ng pitsil na yelo lang para madaling lagyan ng yelo ang mga baso. biglang may nasa harap ko na babae at sinita ako. bakit ang dami ko daw mag yelo? standard daw 3 cubes lang per glass. tsaka bakit di daw ako gumamit ng tong? badtrip dami ko ng nalagyan sa baso.buti sana kung magkakasize mga yelo eh durug durug na pipiliin ko pa ba. badtrip. at ang malupit pa na sinabi bakit daw hinde ako nagpapagupet ang lago na daw ng buhok ko.! putik! kalbo ako ano mahaba dun? tinanong ko sa kasama ko kung sino un. un daw ung vp ata. limot ko na sinabi nya basta mataas yun at ganun talaga daw yun madami galit dun.ang standard kasi na buhok zero eh sa akin una na ata nahalata parin. tsaka wala pa kong time magpagupit pa nun eh. nagfocus nalang ako sa mga bisita para sumaya ako at makalimutan ang mapangmatang gurang na vp. dumating na ang debutant. surprise ang dali. patay ang ilaw ng store. parang naisip ko ovious  naman na may suprise kasi patay na ang ilaw ng store naka blind fold pa ang may bday. hehe. nung pumasok na unahan ko sana sumigay hehe. ng nasa loob na. ayan na. kainan na. dumating syempre ang paolo bediones pero di ko sya pinansin kasi tao lang sya ako diyos. hehe! after ng party nagpapicture pa kame mga crew at managers. sayang di ko naman ka close ung may ari ng digicam. nahingi ko sana.hehe. di exclusive ang party kasi open kame eh. nakita ko din si jake roxas. ako server nya. bakit daw puro kame kalbo. sinabi ko im not allowed to talk to a low profile insignificant and indiginoues people like you. hehe. sa isip lang. dami ko nakita artista dun. si paolo santos, raymond gutierez at mamy nya, rufa mae at ung nasa pbb na designer na kulot at iba pa. malupet lang sina aimee marcos at boy abunda na ako naging server nila. pinag uusapan ni boy abunda ung album na gagawin nya kasama na gwaping na bading! aw. natapos ko tranning ko na 10 days na worth 1k lang. eh wala nga ko pera di ako makakasweldo pag di ako nag requiremens. kasya ba yun sa pang requirements ko at pang kain ko? tapos may problema pa kame sa bahay. pera kasi nagkasakit kuya ko sa dubai nangutang na pang uwi. gulo ng utak ko nun. hanggang sa di na ko makapasok kasi alanganin na pera ko. gumawa ako ng paraan. nagpatulong ako sa tita ko sa pldt para makapag apply. nung ok na at natanggap ako s call center ng pldt sa ventus. di na ko nagparamdam sa max brenner. umuwi ako at kinasamaang palad wala na maibigay na pera mga magulang ko para magtranning sa ventus pldt. sira narin ako sa max kay di na ko nagpakita. naulit nnaman. sa una swere pero may handlang lage na kamalasan. tumagal ako ng 1 monh sa quezon bago ko nakabalik sa maynila. tinulungan ako ng irog ko maipasok sa hotel sa manila pavillion. nandun tito na nya president ng union. sumobra ang swerte kasi may inaplayan din ako na medrep na natanggap din ako pero ang pinili ko hotel kasi yun tranning na yung sa medrep mag aaral pa ng anatomy bago matanggap.

         ang huli kong work ay sa manila pavillion sa manila.inapalayan ko dun cashier pero di ako natanngap ata. tinex ako ng tito ni irog ko na pumunta ulet ako kasi interviewhin ulet ako. biglang may swerteng sumapal sa akin kasi nakita ako ng gm dun na bading at inoffer sa akin ang position sa front desk. kasi kelangan nila ng lalake sa graveyard. ininterview ako ng gm at di na ko dumaan manager ng front desk kasi nainterview na ko. swerte  kasi alam nya quezon. may taga quezon din dun na supervisor at si gm may kamag anak sa sariaya quezon. natakot ako kasi yung una kong work as front desk officer din ay iba pag 5 star hotel na. required fluent sa enlish. at ang system na ginagamit ay opera na may idea ako pero di ko pa alam kung paano operate. dahil nasa hotel na ko. at 5 star pa.ang tranning ko sa ibat ibang department. medyo nakakasira ng utak kasi dapat alam mo lahat kasi ikaw ang front liner ng hotel. na overload ako sa mga tinuturo. at sobrang nag adjust ako sa oras kasi medyo matagal bakante ko bago ko nagkawork ulet. eh ang buhay ko nun tulog sa umaga gising sa gabi.kaya yung iba kong pinapasok eh hindi ako natutulog nun para makapasok sa tama. kay may mga awol nnman ako. maganda kasi pang stable na yung offer. hindi contractual. probi kagad! aw. kaso di ko kinaya mga tinuturo kasi pumapasok akong walang tulog kaya walang pumapasok sa isip ko. umabot pa nga ko sa x-mas party nila. sumama ako para makilala ko mga kasamahan ko sa department namen. pero yung pang lahatan di ako kasama kasi di ata ko umabot sa listahan. nung medyo napapadalas absent ko. kinausap ako at binigan pa ng 2nd chance. ganun talaga daw sa una give up daw kagad ako. ayoko kasing mapahiya eh kasi sa totoo lang ayoko na ng mga aral aral pa. gusto ko mga turo nalang.umuwi ako pasko at new year. may reunion sa bahay namen sa quezon ng jan 1. may sakit ako nun. paluwas na pinsan ko ng gabi dahil may pasok ako kinabukasan sumabay na ako kahit may sakit ako. nasa bdhouse na ko ng 12 ng gabi. umalis kame ng quezon mag 10 na .bilis ng byahe. kinabukasan. sama parin pakiramdam ko. nagising na ko tanghali na ata eh 8 pasok ko pano ko sasabihin na may sakit ako huli na. kinabukasan ako pumunta sa hotel. at kinausap ulet ako ng gm. nung una ko kinausap ano daw nagyayari sa akin, nung 2nd chance ko na ang banat na ano na plano mo. parang napakalalim ng tanong kaya bumira narin ako na mag resign nalang ako. kasi dami ko ng sablay eh. ayaw sana ni gm pero nirespeto lang desisyon ko o nakikipagplastikan lang sa batuhan ng mga diskussyon namen. nung umalis na ko sa hotel. nagiisip ako, ani bang nangyayari sa akin? lage nalang may hadlang. sumakay na ko ng fx pauwi. naisip ko ixt si gm at bawiin mga sinabi ko. naauhan lang ako at natigilan na isip ko na reply nya. hindi na daw pwede. nagpasalamat nalang ako. di ako nagsisi pero galit ako kung baket dami ko nasayang na oportunidad na dumating sa buhay ko. o talagang hindi ko pa alam ang gusto ko. sobrang sama ko sa bahay ng nalaman nila. kaya nagpatagal pa ako sa syudad para makapag isip isip. pinuntahan pa ko ng kuya ko at wag ko na daw isipin yun umuwi na daw muna ako.dahil wala narin akong ginagawa at tapos na ang pakikipagsapalaran ko. umuwi na ko sa amin. 3 months na ko mahigit dito sa quezon. huling luwas ko feb 13 kasi bumalik ulet kuya ko sa dubai. kaya lumaki lalo utang namen kasi panibago utang ulet. ayaw pumayag ng kuya ko na ako nalang kasi wala ko sakit. pero nakiusap sya na sya na muna at pag ok na kunin nya ako. kaya nandito lang ako sa amin. iniisip ko kung maghahanap ba ulet ako ng trabaho sa syudad o dito na ko magwork habang inaantay ko na kunin ako ng kuya ko. ewan ko. ang hirap mag isip lalo na walang nangyari sa mga laban mo ng mag isa ka. naisip ko tumatanda akong paurong.

           sa ngayon, ang ginagawa ko ay magbantay ng resto ng tito ko. kahero ako dun. masaya kasi wala akong ginagwa. utos lang, upo, yosi, kain, at kung ano ano pa. ok narin to kasi may pang gastos ako para pang apply din kung sakaling payagan akong mag maynila ulet o sa abroad na. para sa akin hindi masama mamili ng trabaho kasi ikaw din masisira at lolokohin mo lang sarili mo kung di ka naman masaya. kaya ganun ginagawa ko o hindi ko lang talaga alam kung ano ang para sa akin. kung saan ba ako uunlad. masakit ng mag isip kaya di ko rin masisisi na mga ginagawa ko ngayon ay pang bata para makalimutan kong mag isip. salamat sa mga matyagang nagbasa ng istorya ko ng buhay ko sa mga naranasan kong trabaho. sana maputol na ang istorya kong ganito at magkaroon na ng linaw a hangganan sa mga naranasan ko sa loob ng aking pagtratrabaho. . .

Advertisements

8 Comments »

  1. emoboyblue Said:

    Grabe experience mo talaga sa trabaho.. Halos kulang ang part 3.. hahaha!!! Musta sir ang ‘CAM SUR’? welcome back sir!!

  2. pol0106 Said:

    ok naman. masaya. next week ko nalang post cam sur! hehe

  3. ifoundme Said:

    nag adventure ka pala.. ok lang yan…. you’ll soon get what you think is best for you. hirap kasi yan ang hindi mo alam. ganyan din ako dati… narealize ko lang na sa totoo pala eh ang dami kong gusto sa buhay… baka ikaw ganun din. iniisip kasi natin na dapat isang path lang ang dadaanan natin kasi yan ang ginagawa ng karamihan. just go on with your journey. sabi nga nila, you will find what you are looking for kasi nga naghahanap ka talaga. good luck.. ang dami ko na namang sinabi pero wala namang sense.. LOL!

  4. pol0106 Said:

    thanks ifoundme. . sana mahanap ko na gusto ko sa buhay. . pagnakita ko na ifoundme narin pangalan ng blog ko! hehe

  5. ifoundme Said:

    ano!?!?! ipacopyright ko na to. hehehe! pero sa totoo lang, kaya ifoundme to kasi i was once lost too. kaya nga sobrang drama ko nun. jobless, moneyless and loveless ang kaek-ekan ko. yan… ifoundme kasi i finally realized the things i want to happen to me… pag ako pumunta dyan sa inyo, painum ka ha? huntingin kita.

  6. pol0106 Said:

    hehe cge ba pero di ako mahilig uminom eh. . ipapasyal nalang kita sa beautiful places sa quezon province!! wehehe. . baka mga 60 yrs old makikita ko na para sa akin!! hehehe. . tnx!!

  7. rio Said:

    sana makita mo na talaga ang gusto mo sa buhay..
    wish u luck!=)
    pwede b tayong ex links? thanks..

  8. bluep Said:

    hehe nakakarelate ako… ayoko lang magkowment pa ng mahaba at pihado aagawin ko eksana mo sa post na to hehe.

    Anyhow we have an on going project for all quezon based bloggers. I’m inviting you join our very first organization for bloggers. I went here through mix. Naisip namin na mas maganda siguro magkakilakilala ang mga taga quezon para tayo mismo ang magsusuportahan sa blogosphere. here is the link, we hope that you would join us.

    http://bluepanjeet.net/pipol/kabataq-kapisanan-ng-mga-blagistang-taga-quezon/

    – bluepanjeet


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: