muni. . muni. .

life is not fair. . .yan ang naiisip ko palagi sa tuwing may masama na nangyayari sa akin. . di ko naman kasalanan na magkaganito pero bakit parang habang tumatagal palala ng palala. . naisip ko ganito na lang ba ako habang buhay? hanggang dito nalang ba ako?ayoko ng mag isip. . ayoko ng mangarap. .lalo lang ako na frufrustrate kasi hanggang sa isip lang ata ako.confidence? napakadaling gawin pero kung wala ka naman tiwala sa sarili mo magagawa mo ba? di ako makatulog sa gabi. . lagi nalang may iniisip ako na di ko naman makontrol. . pwede bang maging libangan ang pag iisip? pano kung puro problema iniisip mo? malilibang ka kaya? sa araw araw nalang iniisip ko kung ano ba gusto ko sa buhay ko. . siguro dahil wala akong ginagawa sa buhay ko kaya ko naging mas maisip. . masakit kung maririnig mo sa iba pero pag inisip mo sa tingin mo hinde kasi ginagawa mo yun. hindi mo naman makikita ang mga mali at tama na ginawa mo kung hindi ito mararamdaman at makikita ng ibang tao. . insomia? hindi siguro. . nasanay lang siguro ako na ganito ang routine ko. . alam ko naman mali pero bakit ang hirap baguhin? parang yosi na itigil mo na kagad. .di naman ganun kadali yun.. tungkol sa buhay, problema sa bahay, sa relasyon at kung ano ano pa ang bumabalot sa aking isipan sa tuwing di ako makatulog. . kung binabayaran lang ang pagpupuyat ko baka ang yaman ko na. . may ginagawa man ako o wala napapaisip parin ako. . cguro masyado ko lang dinadamdam ang mga isipin na dapat naman di lalong isipin. . di kaya yun dahilan kung bakit di ako makatulog? o konsensya na nagpapahiwatig sa akin na wala ka bang gagawin sa mga iniisip mo? di ko masabing ugali ko to. eto cguro yung pinili ko na ginamit ko sa masama na nakasama sa akin. . magulo. . malabo. . kahit sa sulat kong ito wala kong patutunguhan pero sinusulat ko lang ang nasa isip ko ngayon. . pwede naman ko matulog ng maaga. . pwede naman ko di magpuyat pero bakit ginagawa ko parin? masaya ba yun? masaya ba ko na ganun nalang palagi ako? mahirap pero madaling gawin. . magulo pero kayang ayusin. . masakit, malungkot pero di ako makawala sa mga bagay na nakasanayan ko na. . o talagang pinili ko dail ginusto ko. . .

Advertisements

4 Comments »

  1. ifoundme Said:

    apir! di ka nag-iisa… ang masasabi ko lang is that you get to know yourself better kung ganyan. happy go lucky din ako dati… as in sobrang carefree… pero nung medyo kinalabit na ako ng buhay at pinadaan ako sa mga bagay na hindi ko ever naisip na madadaan ko pala, ayan… nagsoulsearching na ako… cliche man ito pero once naging conscious ka na sa kung anong meron ka as to wala ka, mapapaisip ka na naman ulit na maswerte ka pala… ok lang yan… sometimes in chaos you find peace… it’s a journey within and someday you’ll get to realize that okay pala yung journey na yan kasi nakilala mo na ang sarili mo. hindi ka nag-iisa.

  2. peach07 Said:

    hindi ko alam kung dapat sabihin na ok lang yan o hindi. ang alam ko lang people shouldn’t judge anyone, lalo na pag hindi sila ang nakakaranas ng mga ganyang bagay. at ang pinakamahirap na kalaban sa ganyan na panahon ng ‘muni-muni’ ay ang sarili. take time to get to know urself. ‘pag alam at kilala mo na sarili mo, maaayos mo na ang mga gusto mo ayusin, masisimulan ang mga gusto mong marating…

    “whenever u want to achieve something, keep ur eyes open, concentrate & make sure u know what it is u want. No one can hit their target w/ theireyes closed”

    wag mo pilitin kung hindi ka pa handa, darating yung panahon na ikaw na mismo, ang buong ikaw, na magkukusang gawin ang mga gusto mo. you’ll eventually find what ur really looking for.

  3. emoboyblue Said:

    Nasanay ka kasing kaliwete try mo kayang gamitin din kanan mo.. :-)..
    Mukhang nababasa ko na mga nangyyri ah.. Ok lang yan kaya mo yan..
    Go on boy!! Wakoko.. 🙂

  4. ya ur ryt


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: