what makes you happy?!. . . ( muni. .muni. . )

Masaya ka ba? sa pag ibig? sa kaibigan? sa pamilya? sa sarili? pano ka naging masaya? mga tanong nanaman na bumabalot sa aking isipan na isa sa mga pag mumuni muni ko araw araw. . hanggang kelan ka masaya? panandalian? o habang may nagpapasaya sayo. . sa aking pag iisip, nilalabas ko lahat ng nasa isip ko. mga bagay na dapat kong gawin at tama kong gawin para ako ay sumaya. . mga kakaibang kwento?! o ano kaya kung?! mga bagay na nakakapagpasaya sa akin. . masarap mag muni muni. . lalo na pag wala kang makausap sa bahay. . wala kang magawa sa buhay. . paulit ulit na gawain sa araw araw ng takbo ng buhay. nakakasawa pero masaya ako. mga bagay na imposible. . kunwari na may powers ka. . kaya mong pigilin ang oras. . tapos pupunta ka sa mga bangko, papasok ka sa vault sa pamamagitan ng teleport mo para di mahalata na nabuksan. . tapos teleport ka na sa bahay nyo pagkatapos mo patakbuhin ulet ang oras. . may mga bagay naman na superhero ako. sa dami ng kaguluhan sa mundo, mga krimen na nangyayari, lumipad ako at tumira ako mula sa himpapawid ng malakas na kapangyarihan para pasabugin ang magulong lugar at masasamang tao. minsan naisip ko rin basahin ang utak ng mga tao at ituro ko sa kanila ang tamang gawain para wala ng masamang tao at gawain. minsan din naisip ko na invisible ako, papasok sa mga cr ng babae. . hehe ( sa masamang side na powers na yun). mga pang sariling kaligayahan ang naiisip ko kapag ako ay walang magawa. mga nakakatuwa na isipin ang siyang nagpapaligaya sa akin. . pero hanggang kelan ako ganito? ugali ko na ba to o libangan lang? pano kung sa totoong buhay na? ganito parin ba iisipin ko? masaya ako. . sabi ng katawan at isipan ko. . pero ang puso at damdamin ko hindi sumasang ayon sa isip at gawain ko. . mga bagay na panandalian lang. . mga bagay na hindi naman makakatulong sa reyalidad na buhay. . sa pamilya mo masaya ka ba? biglang tanong ng konsensya. . napaisip nanaman ako. . at inulit ko lang ang tanong sa sarili ko. . lumawak nanaman ang pinagkukunan ko ng dahilan para sagutin ang tanong. . pero sigurado ako sa sagot ko. . masaya ako. . tahimik ako, di close sa pamilya ko. wala ko sinisisi kasi ako naman yung lumalayo hindi sila. . dahil siguro may mga dahilan ako na sa tingin ko di na maibabalik o siguro nahihiya na ko sa mga kahihiyan na ginawa ko. . masaya ako. . nandun na lahat. . wala ng dapat i explain pa. sa kaibigan mo? masaya ka ba?hmmm. . kaibigan? malamang kasi dun ko nailalabas yung pagkasaya ko sa reyalidad eh. . kaso. . . ano?. . kaso di habang buhay ganito nalang lagi kayo na masaya, lagi magkakasama. . nakakalungkot lang kasi di ako palakaibigan. . iisa lang ang kinilala kong kaibigan at gustong samahan. . pero di na nila un kasalanan. . nakakalungkot na parang ikaw nalang may gusto pero dadating sa point na talagang di na tulad ng dati ang kasiyahan noon. alam mo naman pala eh. . . oo alam ko na lahat. . ang di ko lang alam kung hanggang saan. . sa pag ibig masaya ka ba? oops. . teka. . . napalawak nanaman isip ko ah. .  dali naman sabihin na masaya ka eh. . pero di mo maloloko nararamdaman mo. . sobrang komplikado naman pero eto nalang. . masaya ako, eto pinili kong buhay, hindi man nasunod ang gusto ko pero masaya ako sa laat ng bagay. . madami parin akong tanong din sa ganyan bagay, pero di ko kayang sagutin lahat. siguro ayoko lang magsisi at magkamali. . natatakot lang ako siguro o baka ito talaga para sa iyo. . saka ko nalang isipin yan. . mahalaga. . .masaya ako sa kasiyahan ko. . kaw ba?. . . masaya ka ba? paano?. . . everyone can answer that. . .but its hard to explain it. .

Advertisements

10 Comments »

  1. ifoundme Said:

    dumadaan ka sa sinasabing quarterlife crisis…. pero hinaluan mo ng powers na parang nagsasabi na parati kang nanonood ng HEROES… hehehehe! masaya ba ako? oo at hindi…. yan ang sagot ko. (at talagang seryus ako). ayoko mag explain kasi wala naman kasunod na WHY… how lang… how? hmmmm…. inaadjust ko sarili ko sa sitwasyon. sobrang maraming bagay ang nagpapafrustrate sakin pero ok na lang… ganyan talaga ang buhay. i’ll just work around the situation to get what i want. pero masaya ba talaga ako despite sa sagot na oo at hindi? the answer is YES. if we can’t control a lot of things, we have one thing we can control and that is ourselves.that includes how we react in any given situation. we can control our reaction. yun nga lang ibabato ko lahat sa blog ko kaya ayan… puro reklamo ang mababasa ninyo. that’s how i cope pero in my day to day life, i smile and live life one day at a time.

    ang drama ng entry mo! parang nawala antok ko.

  2. pol0106 Said:

    madrama ba? ayokong maging emo pero yun ang lumalabas sa sinusulat ko ngayon. buti ka pa nawala antok ako gusto ko ng matulog hehe. . kung may bago lang season baka may bago na kong powers!! hehe. . time will come from everyone. . i guess inip na kong dumating yung time ko. . hehe. .go nurse!

  3. ifoundme Said:

    dadating din yan at sigurado akong mapapasabi ka ng THIS IS IT! hehehe… ang corny ko… pero totoo yan. minsan kala natin wala tayong silbi dito pero once you see it through the point of view of other people, dun lang natin marerealize na may nagawa naman tayo…. hwag lang mainip. ako nga halos 2 years naghihintay at hanggang ngayon naghihintay pa rin. may mga panahon din na parang yung pagkadown ko ay matutuluyan na sa impyerno (pero hindi ako suicidal ha) pero syempre.. one day at a time nga… mas magaan yan pag meron kang mentor. hanap ka… it helps talaga.

  4. marcpogi Said:

    nice one! lahat naman ng tao masaya, specially kung nakakakain ka, nakakatulog, jejebs, (haha) magmahal at mahalin. basta ung mga basic needs niya eh nagagawa niya.

    marami lang talagang magagandang bagay sa mundo at magagandang gawin, kaya naiisip natin na ah! siguro mas masaya ako kung ganito ako at kung nandito ako sa lugar na ito.

    teka parang magandang ipost itong comment ko sau ah. haha.
    sapul din ako dito. nyahahaha

  5. frozengirl24 Said:

    nice blog! great

  6. wei Said:

    hehe… ayos lang yan..minsan talaga, kailangan nating maramdaman yan para malaman naten na tao pa rin tayo..hehehe… 😀

  7. rhosie Said:

    nice post..makapagmuni-muni nga…lol

  8. peach07 Said:

    what makes me happy? seeing the people i loved the most happy…though i may not be a part of it…

    but then again, uhm…makapag muni muni nga.. 🙂

  9. chai Said:

    pa xlinks po.. tnx

    -sure. . .https://pol0106.wordpress.com

  10. leila Said:

    hi…hmmm.parang pareho lyf natin ah…
    hehehe…ganyan din ako nUn kahit nOw…
    ako minsan iniicp ko masaya ako…perU parang may kulang pa…
    may hinahanap pa din naman tayo…
    d lang natin alam kung anO?dbA?
    hAAy!sana d habang buhay ganyan ka…
    kailangan mo lang cguro sanayin muna sarili mo sa pag gigimik…hehehe
    gaya ko…sumasama ko sa mga frIends ko…
    pero ang saya Ung…Ay natatakpan ang luha ko…
    ganun ka din cguro?


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: