Posts Tagged ‘experiences’

friends?. . or something else. . .

masama ba makipag kaibigan sa mga nakarelasyon mo na dati? masama bang balikan ang nakaraan? o masama bang di kalimutan ang mga pinag samahan?. . . .

yan ang mga nagiging problema sa mga relasyon. . .mga relasyon na mababaw ang dahilan. . .mga relasyon na basta nakiparelasyon lang. . .mga relasyon na gusto mo lang. . .at kung ano ano pa. .

ikaw ba? kaibigan mo ba mga dati mong nakarelasyon? o kinalimutan mo na ng tuluyan ang mga pinagsamahan nyo?. . .

may kanya kanya naman dahilan kung baket ayaw na nilang balikan ang nakaraan. . nandyan ung masakit na karanasan. . nakasakit. . nasaktan. . at wala lang. . mga dahilan na dapat irespeto. . pero ganon nalang ba yun kadali. .?

di naman masama makipag kaibigan sa mga dati mo nga nakarelasyon. . kung may dahilan ka na makakatulong sa buhay mo. . mga pinagsamahan na kailanman nasa libro na ng buhay mo. kahit punitin mo ang pahina na yun. . di maaalis sa isip mo kasi ikaw sumulat nun.

iniisip nila pag tapos na tapos na. . ganon nalang ba yun? para san ba relasyon? para masabi lang na may karelasyon ka? para magawa mo mga gusto mo sa karelasyon mo? dahil mahal mo yung tao? gusto mo lang yung tao? o maka experience lang para masabi galing na ko jan.

maraming mga katanungan pero walang saktong sagot. . walang tama. . walang mali. . hindi naman porke kaibigan mo mga karelasyon mo dati eh gusto mo silang balikan. . yung iba gusto lang gawin mga ginagawa nila dati. .yung iba naman hindi maka move on. . pero ano ba punot dulo ng relasyon? san ba nagsisimula yun?di ba sa pagkakaibigan? bakit naiiba ang pananaw nila kapag usapan na eh nakikipag kaibigan ka sa dati mo karelasyon. . bakit iba nasa isip nila imbis na isipin nila yung pinagmulan ng relasyon. . ang friendship pinaka base ng isang relasyon. .

iba iba naman ang pananaw eh. . kanya kanya nalang ng opinion . . kung di naman masama intensyon mo bakit hindi diba?. . hindi nyo naman kelangan mag reminis sa mga pinagsamahan nyo. . ang importante yung pinagsamahan. . kayo ba? kaya nyo ba? ano dahilan nyo? . . . . friends? . . .or something else? . . .