Posts Tagged ‘kaisipan. . muni muni. .’

what makes you happy?!. . . ( muni. .muni. . )

Masaya ka ba? sa pag ibig? sa kaibigan? sa pamilya? sa sarili? pano ka naging masaya? mga tanong nanaman na bumabalot sa aking isipan na isa sa mga pag mumuni muni ko araw araw. . hanggang kelan ka masaya? panandalian? o habang may nagpapasaya sayo. . sa aking pag iisip, nilalabas ko lahat ng nasa isip ko. mga bagay na dapat kong gawin at tama kong gawin para ako ay sumaya. . mga kakaibang kwento?! o ano kaya kung?! mga bagay na nakakapagpasaya sa akin. . masarap mag muni muni. . lalo na pag wala kang makausap sa bahay. . wala kang magawa sa buhay. . paulit ulit na gawain sa araw araw ng takbo ng buhay. nakakasawa pero masaya ako. mga bagay na imposible. . kunwari na may powers ka. . kaya mong pigilin ang oras. . tapos pupunta ka sa mga bangko, papasok ka sa vault sa pamamagitan ng teleport mo para di mahalata na nabuksan. . tapos teleport ka na sa bahay nyo pagkatapos mo patakbuhin ulet ang oras. . may mga bagay naman na superhero ako. sa dami ng kaguluhan sa mundo, mga krimen na nangyayari, lumipad ako at tumira ako mula sa himpapawid ng malakas na kapangyarihan para pasabugin ang magulong lugar at masasamang tao. minsan naisip ko rin basahin ang utak ng mga tao at ituro ko sa kanila ang tamang gawain para wala ng masamang tao at gawain. minsan din naisip ko na invisible ako, papasok sa mga cr ng babae. . hehe ( sa masamang side na powers na yun). mga pang sariling kaligayahan ang naiisip ko kapag ako ay walang magawa. mga nakakatuwa na isipin ang siyang nagpapaligaya sa akin. . pero hanggang kelan ako ganito? ugali ko na ba to o libangan lang? pano kung sa totoong buhay na? ganito parin ba iisipin ko? masaya ako. . sabi ng katawan at isipan ko. . pero ang puso at damdamin ko hindi sumasang ayon sa isip at gawain ko. . mga bagay na panandalian lang. . mga bagay na hindi naman makakatulong sa reyalidad na buhay. . sa pamilya mo masaya ka ba? biglang tanong ng konsensya. . napaisip nanaman ako. . at inulit ko lang ang tanong sa sarili ko. . lumawak nanaman ang pinagkukunan ko ng dahilan para sagutin ang tanong. . pero sigurado ako sa sagot ko. . masaya ako. . tahimik ako, di close sa pamilya ko. wala ko sinisisi kasi ako naman yung lumalayo hindi sila. . dahil siguro may mga dahilan ako na sa tingin ko di na maibabalik o siguro nahihiya na ko sa mga kahihiyan na ginawa ko. . masaya ako. . nandun na lahat. . wala ng dapat i explain pa. sa kaibigan mo? masaya ka ba?hmmm. . kaibigan? malamang kasi dun ko nailalabas yung pagkasaya ko sa reyalidad eh. . kaso. . . ano?. . kaso di habang buhay ganito nalang lagi kayo na masaya, lagi magkakasama. . nakakalungkot lang kasi di ako palakaibigan. . iisa lang ang kinilala kong kaibigan at gustong samahan. . pero di na nila un kasalanan. . nakakalungkot na parang ikaw nalang may gusto pero dadating sa point na talagang di na tulad ng dati ang kasiyahan noon. alam mo naman pala eh. . . oo alam ko na lahat. . ang di ko lang alam kung hanggang saan. . sa pag ibig masaya ka ba? oops. . teka. . . napalawak nanaman isip ko ah. .  dali naman sabihin na masaya ka eh. . pero di mo maloloko nararamdaman mo. . sobrang komplikado naman pero eto nalang. . masaya ako, eto pinili kong buhay, hindi man nasunod ang gusto ko pero masaya ako sa laat ng bagay. . madami parin akong tanong din sa ganyan bagay, pero di ko kayang sagutin lahat. siguro ayoko lang magsisi at magkamali. . natatakot lang ako siguro o baka ito talaga para sa iyo. . saka ko nalang isipin yan. . mahalaga. . .masaya ako sa kasiyahan ko. . kaw ba?. . . masaya ka ba? paano?. . . everyone can answer that. . .but its hard to explain it. .