Posts Tagged ‘lifestyle’

job adventure!

                matagal na kong walang work. siguro kung pagsasama samahin baka isang taon na. dami ko ng pinanggalingan. first work ko sa hotel dito sa amin. on the job trainning palang ko inabsorb na ko ng company. natuwa naman ako tsaka gusto ko rin para mabawi naman mgapinagtratrabaho ko. sa sales ako nun. mahirap saken kasi tahimik lang ako. di ako madaldal. kahit mag explain pa ko kung talagang ayaw di ko na pinaliliguy liguy pa. kung ayaw wag pilitin. 1 month ko na isa lang naiclose na deal. kinulang ng tao sa front desk sa hotel kaya ako nilipat. kelangan daw lalake para sa grave yard shift. natuwa naman ako kasi pang puyatan talaga ako. 3 months ako as front desk agent sa hotel. masaya. konti lang tao, petiks lang, internet, yosi, nod tv. mga guests? hmmm. . ok lang din. may mganagpapanggap na mapera, mga foreigner na may mga kasama na mukang katulong, mga mayayaman talaga at mga kabataang ginagawang motel ang hotel. mga multo na nagpaparamdam sa madaling araw at mga guard na tulog. natuwa din ko nung medyo tumagal ako. may trainee ako na kapalit ko din sa shift. babae. maganda kaso taken na. ( pero matagal na yun! ) nasira lang ako kasi summer yun. mali ko lang tinanggap ko kagad na hindi muna ko nagbakasyon. natanga lang ako kasi trabaho na binigay tanggihan ko pa. di ako makagimik, makainom kasama mga kaibigan ko, di makapag banda kasi nga pang gabi ako. hanngang sa di na ko nakakapasok, nalelate ( 11-7am ) pasok ko ha!. tinamad na ko. umalis nalang ko ng walng resign resign. isa pang mali ko ulet. kumuha ako nga hulugan na motor eh umalis ako kaya after 2 months hanap ko ng work kagad.

                    2nd job ko sa sun cellular sa sm d2 samen. sales din. nagkaron ng job fair sa sm. kasama ko 2 ko kaibigan. si miles ( na may 2 gf ngayon pero iba ang mahal! ) at si duduy ( na nasa bdo ngayon at kumakana na ng pera! ) tiningnan lang namen mga job offer eh wala kame nagustuhan kaya nagpasa nalang kame sa bawat store sa sm kahit di sila hiring! nagkataon na hiring sa sun. nasawi ang dalawa kong kaibigan at ako lang ang natanngap. contractual lang pero masaya ako at nakahanap kagad ko ng work para ma save lang ang aking motor!. mahiyain ako kaya medyo nag oobserba pa ko sa mga kasama ko. hanggang sa tumatagal nahuli ko din mga kiliti nila pati manager namen. ( na may gusto ata saken kasi lage ko kinukulit o naglilihi lang saken ). 2006 ng nasa sun ako. madali lang ang work, entertain ng mga kunwari bibili at magpapalinya sa sun, mga nangungulit attumitingin lang ng celphone, nagbabayad ng bill nila na may kasamang reklamo na wala daw signal sa ibang lugar at mga kaibigan ko na bumibisita saken at inakaw ko sila ng phone! joke lang! hehe. .kahit na pasaway ako, late at absent. hindi ako nabibigyan ng memo kasi malakas ako sa manager namen. ( na hot mama ) hehe. 2007! naglaho na ang lahat! dahil nga malakas ako sa manager namen ganon parin ako. biglang nagbago ihip ng hangin. last na absent ko na ospital kuya ko. ako bantay. mali ko lang di ako nagpaalam. 2 days yun kasi tinamad na ko pumasok kinabukasan. pagpasok ko. booomm!! may memo ako! haha. tapos ang ngapa charming ko! laglag brief ko!hehe. nabago ko na biglang naulit ulet kasi nakakasawa na ginagawa dun. may lumipad nnman na mainit init na memo.di ko na inalam kasi alam ko na. so pangalwa kong work terminated ako. ( ako ang tunay na terminator! ) hehe. . huli na ng nasampal ako upang magising sa mga nangyari! 4 months ko walang work! sarap ng buhay ko. may motor ako, tambay sa computer shop, uwi madaling araw pagdating ps2 naman. tulog sa umaga alis sa gabi. sarap! hanggang sa binabawi na motor ko kasi di ako nakakahulog. pero lumaban ako. binenta ko ps2 ko pero di sapat kahit mabayaran ko lahat ng utang ko sa motor. nahirapan ako maghanap ng work kasi lasing pa ko sa kasarapan ng pagiging wala kong ginagawa. hanggang sa wala na kong magawa, pinahatak ko na motor ko sa kanila. nalungkot ako. lahat nawala. ps2 ko, motor ko at higit sa lahat mga pera ko na nauwi sa wala. doble sakit kasi nasira ko sa pamilya ko. nag laylo ako at sinawa ko sarili ko sa walang gingawa. . . itutuloy kung gusto nyo pa!. . .  

Advertisements